^

PM Sports

Shakey’s V-League Open Conference

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang magbukas ang Open Conference ng Shakey’s V-League sa Linggo na katatampukan ng walong balansiyadong koponan sa The Arena sa San Juan.

Dalawang koponan ang magiging paboritong maglaban para sa kampeonato, habang apat ang inaasahang manggugulo sa kanila at dalawa ang sinasabing gagawa ng sorpresa.

Sa First Conference noong Hunyo ay tinalo ng National University ang Ateneo sa sudden death showdown sa Mall of Asia Arena sa kanilang best-of-three title series.

“With this cast, we expect another blockbuster conference. All the league stars are here so we expect no less than a dogfight for the crown,” sabi ni Vic Gregorio, EVP at COO ng Shakey’s Pizza.

Ang mga champion na Philippine Army at Smart-Maynilad ang mangu-nguna sa labanan sa likod nina Nene Bautista, MJ Balse, Rachel Daquis, Michelle Carolino, Alyssa Valdez, Sue Roces at Charo Soriano, habang ang Meralco, Philippine Air Force, Cagayan Province at Philippine National Police ang makikipagsaba-yan at hindi naman magpapahuli ang Philippine Navy at ang Far Eastern University.

Ang top six teams matapos ang single round eliminations ang aabante sa quarterfinals. Dadalhin ng mga qualifiers ang kanilang records sa quarters, isa ring single round phase kung saan ang top four ang papasok sa Final Four, isang crossover stage na magtatampok sa No. 1 team vs No. 4 squad at ang Nos. 2 vs No. 3 teams na mag-aagawan para sa finals berth sa kani-kanilang best-of-three series.

ALYSSA VALDEZ

CAGAYAN PROVINCE

CHARO SORIANO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

MALL OF ASIA ARENA

MICHELLE CAROLINO

NATIONAL UNIVERSITY

NENE BAUTISTA

OPEN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with