MANILA, Philippines - Walong kabayo ang magbibigay-kulay sa pakakawalang 2-YO Maiden race na siyang tampok na kaÂrera sa hapong ito sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Suportado ng Philippine Racing Commission (PhilÂracom) sa 1,200-metro ang distansyang paglalabaÂnan ng siyam na kabayo pero walo ang opisyal na bilang at ito ay isang benefit race at ang makikinabang ng kikiÂtain ay ang Association of Philippine Jounalist SamaÂhang Plaridel Foundation Inc.
Ang mga tatakbo ay ang Thrones (DH Borbe Jr.), Proud Papa (FM Raquel Jr.), Lovely Daughter (JB CorÂdova), Vini Vidi Vicci (JV Ponce), Coral Princess (PR Dilema), Reenactment (RK Hipolito), Little Gem (KS Bergancia) at coupled entry River Mist (RR CaÂmaÂñero) at Kukurukuku Paloma (V Dilema).
Sa hanay ng mga kabayong ito, ang Proud Papa at Coral Princess ay napalaban sa 1st Leg ng Juvenile Colts at Fillies series para ituring na angat sa mga kalaÂban.
Hahawakan muli ni Fernando Raquel Jr. ang Proud Papa na tumapos sa pang-apat na puwesto sa 1,000-meter race noong Hulyo 27 sa nasabing race track na dinomina ng Matang Tubig.
Sa kabilang banda, ang Coral Princess na sasakyan pa rin ni Pat Dilema ay pumangatlo sa Juvenile Fillies race noong Hulyo 21.