Gomes nakipagkasundo sa Thunder

Nakipagkasundo si free-agent forward Ryan Gomes sa one-year deal sa Oklahoma City Thunder, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Ang 30-gulang na si Gomes ay nagbigay sa Thunder ng versatile forward na may shooting.

Ang deal ay kapos sa full guaranteed salary sa ve-teran’s minimum, ayon sa source.

Ang  seven-year NBA veteran na si Gomes ay hindi nakalaro noong nakaraang taon matapos gamitin sa kanya ng Los Angeles Clippers ang amnesty provision. Nang walang kumuhang team, naglaro si Gomes sa Germany ngunit sandali lang ito at bumalik din ng United States.

Show comments