^

PM Sports

SEABA Under 16 sweep ng Pinas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ganap na dinomina ng Pilipinas ang Seaba Under-16 championships sa Indonesia matapos walisin ang kanilang apat na laro.

Ipinoste ng Nationals ang 84-44 panalo kontra sa Singapore para angkinin ang kampeonato noong Huwebes ng gabi.

Naipanalo ng koponan ang lahat ng apat nilang asignatura kasama na ang paglampaso sa Singapore para makamit ang tiket sa Fiba-Asia Under-16 championships sa Tehran, Iran.

Hinirang si Jose Lorenzo Mendoza bilang MVP.

Kaagad na kinuha ng youth cagers ni coach Jamike Jarin ang 33-12 kalamangan sa second quarter at hindi na nilingon pa ang Singapore.

Nauna nang binigo ng Filipinos ang Indonesia, 87-52, sa kanilang unang laban noong Lunes at itinakas ang isang 76-72 panalo laban sa Malaysia.

Nagtala naman ang Under-16 cagers ng isang 82-58 panalo kontra sa Thailand.

Nakatulong sa pagkumpleto sa pagwalis ng koponan sa torneo sina Michael Louise Dela Cruz at Kobe Paras, anak ni two-time PBA MVP Benjie Paras.

vuukle comment

BENJIE PARAS

FIBA-ASIA UNDER

GANAP

HINIRANG

HUWEBES

JAMIKE JARIN

JOSE LORENZO MENDOZA

KOBE PARAS

MICHAEL LOUISE DELA CRUZ

SEABA UNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with