EL SEGUNDO, Calif. -- Pinapirma na ng Los Angeles Lakers si free agent guard Jordan Farmar na magbabalik sa koponang kumuha sa kanya sa draft noong 2006 at natulungan niyang manalo ng back-to-back NBA titles.
Naglaro si Farmar sa Turkey sa nakaraang season kung saan siya nagtala ng mga averages na 13.8 points, 3.6 rebounds at 3.9 assists para sa Anadolu Efes Istanbul sa Euroleague.
Naglaro si Farmar ng apat na NBA seasons para sa Lakers at naglista ng mga averages na 6.9 points at 2.1 assists sa kanyang 301 career games.
Naging bahagi siya ng 2009 at 2010 NBA title teams.
Kinuha siya ng Lakers bilang 26th overall pick mula sa UCLA. Si Farmar, isang Los Angeles native, ay nag-laro ng dalawang seasons sa Brooklyn Nets matapos iwanan ang Lakers.