Calderon pumirma sa Mavericks

DALLAS -- Pinapirma ng Dallas Mavericks si free-agent point guard Jose Calderon.

Sinabi kamakailan ni agent Mark Bartelstein na ang kontrata ni Calderon ay nagkakahalaga ng $29 mil­­yon sa loob ng apat na seasons.

Pinangunahan ng 6-foot-3 Spaniard ang NBA sa 3-point shooting mula sa kanyang 46 percent clip no­ong nakaraang season.

Ibinuhos niya ang kanyang eight-year career sa Toronto bago lumipat sa Detroit sa isang three-team deal ka­sama si Memphis guard Rudy Gay.

Naglaro ang 31-anyos na si Calderon sa Spain sa lo­ob ng anim na seasons bago sumalang sa NBA.

Ang kanyang mga career averages ay10.1 points at 7.2 assists at isang 40 percent shooter mula sa 3-point range.

Show comments