Dunleavy, Bulls may kasunduan na

CHICAGO – Kinumpirma ng Chicago Bulls na may kasunduan na sila kay veteran forward Mike Dunleavy.

Ipapakilala ng Bulls si Dunleavy sa isang news conference nitong Miyerkules.

May mga balitang lumabas na nagkasundo ang magkabilang panig sa two-year deal na magpapalakas ng shooting ng Bulls.

Bukod sa pagkuha kay Dunleavy, papipirmahin din ng Bulls ng bagong kontrata si veteran center Nazr Mohammed.

Show comments