NU, Adamson sa 4-way tie

MANILA, Philippines - Nanalasa ng husto sa ikatlong yugto sina Bobby Parks Jr. at Emannuel Mbe para bigyan ng kumportableng kalamangan ang National University tungo sa 71-67 panalo sa UST sa 76th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

May 20 puntos si Parks bukod pa sa 6 rebounds, 6 assists at tig-dalawang steals at blocks habang si Mbe ay mayroong 17 puntos  at 11 rebounds para pangunahan ang tropa ni coach Eric Altamirano sa pagsungkit ng ikalawang panalo sa tatlong laro.

Sina Parks at Mbe ay gumawa ng 15 puntos sa ikatlong yugto para ilayo ang Bulldogs sa 54-44 papasok sa huling 10 minuto ng labanan.

Nakapanakot pa ang Tigers at ang tres ni Ke-vin Ferrer ang nagpadikit sa koponan sa tatlo, 70-67,  sa huling 1.6 segundo pero sinelyuhan ni Robin Rono ang panalo ng dalawang free throws.

Unang pagkatalo ito ng tropa ni coach Alfredo Jarencio sa tatlong laro at nangyari ito dahil nawala ang scorer na si Jeric Teng sa first half bunga ng shoulder injury matapos magkabanggaan ni Jeoffrey Javillonar.

Sinandalan naman ng Adamson ang mainit na paglalaro ni Roider Cabrera para pabagsakin ang UE, 78-71, sa unang laro.

Ibinuhos ni Cabrera ang lahat ng 19 puntos, kasama ang limang tres sa first half para ibigay sa Falcons ang 50-25 halftime lead bagay na hindi na kinayang ahunan pa ng Red Warriors.

Ang Adamson ay may 2-1 karta habang ang UE na humugot ng 26 puntos kay Roi Sumang, ay bumaba sa 1-2 baraha.

 

Adamson 78 - Cabrera 19, Sewa 15, Cruz 10, Julkipli 6, Brondial 6, Iñigo 5, Rios 4, Petilos 4, Agustin 4, Abrigo 4, Monteclaro 1, Trollano 0.

UE 71 - Sumang 26, Casajeros 14, Mammie 9, Sumido 6, Santos 4, Javier 4, Olivares 2, Noble 2, Jumao-as 2, Alberto 2, Pujante 0, Hernandez 0, Galanza 0, Flores 0.

Quarterscores: 27-14; 50-25; 68-45; 78-71.

NU 71 - Parks 20, Mbe 17, Rosario 12, Alolino 8, Villamor 5, Javillonar 3, Rono 2, Porter 2, Khobuntin 2, De Guzman 0, Alejandro 0.

UST 67- Ferrer 20, Daquioag 13, Bautista 9, Teng 7, Mariano 7, Abdul 6, Lo 3, Pe 2, So 0, Hainga 0.

Quarterscores: 22-15, 37-31, 54-44, 71-67.

Show comments