Takbo para sa Manila Bay

MANILA, Philippines - Mahigit 4,500 runners ang tatakbo sa Linggo, upang tumulong sa pagsasalba ng karagatan at estero sa paglahok sa 2013 Manila Bay Clean-Up Run na magsisumula sa tapat ng Aliw Theater sa CCP Complex sa Pasay City. 

Alas-4:30 ng umaga ang starting gun para sa 21 km race na susundan ng fire off para sa 10 km, 5 km at 3 km categories. 

Ang 2013 Manila Bay Clean-Up Run ay bahagi ng ika-74 anibersaryo ng DZRH, ang flagship station ng Manila Broadcasting Company at parte ito ng  ‘Sunset’ partnership ng iba’t ibang tanggapang tumutulong sa programa ng Land Bank para linisin ang Manila Bay.

May mga papremyong cash and in-kind ang nakalaan sa lahat ng makatatapos ng fun run. Tatanggap din ng libreng ride-all-you-can  tickets sa Star City sa kani-kanilang loot bags.  Magpapa-raffle din ang MBC ng android phones at magtatanghal ng isang mini-concert tampok sina Luke Mejares at ang Pretty Young Thing.  Ang  Resorts World Manila, na sumusuporta sa fun run, ay magkakaroon din ng booth na magbibigay ng free membership sa madla.

 

 

 

Show comments