Draft picks ng Wizards pumirma na

WASHINGTON – Pinapirma ng Washington Wi-zards ang kanilang No. 3 overall draft pick na si Otto Porter at second-round selection Glen Rice Jr.

Base sa rookie salaries scheme ng NBA, inaasahang ang pinirmahan ni Porter ay nagkakahalaga ng $19.4 million sa loob ng four seasons kung saan ang unang dalawang seasons ay guaranteed.

Si Rice ay ang  No. 35 overall ng Philadelphia 76ers. Nakuha siya ng Wizards kapalit ng 38th at 54th picks.

Pareho silang maglalaro para sa Washington sa Las Vegas Summer League.

Show comments