MANILA, Philippines - Siguradong napag-aralan na ng mga ipinadalang scouts ng Pinas sa William Jones Cup ang South Korea na posibleng makaduwelo ng Gilas Pilipinas sa quarterfinal round ng daÂrating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
Inangkin ng South KoÂrea ang kanilang pa-ngatlong sunod na panalo matapos payukurin ang US selection, 85-79, noong LuÂnes para pangunahan ang torneo.
Pinangunahan ni Talk ‘N Text coach Norman Black ang grupong ipinadala sa Chinese Taipei upang pag-aralan ang mga teams na posibleng makakalaban ng Gilas Pilipinas sa FIBA-Asia meet.
Nagbida para sa panalo ng Koreans siÂna Lee Seung-jun, Kim Sun-hyung at Cho Sung-min.
Nauna nang binigo ng South Korea ang Egypt at ang Taipei-B.
Nakatakdang sagupain kaÂgabi ng Korea, puma-ngatlo sa pinakahuling Asian meet sa Wuhan, ChiÂna, ang Lebanon target ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada.
Ang Jones Cup ang ginagamit ng South Korea bilang preparasyon sa FIBA-Asia Men’s Championships maliban pa sa pagsubok kina Lee (dating si Eric Sandrin) at Moon Tae Young (da-ting si Greg Stevenson) na kapÂwa humahawak ng duel ciÂtizenship papers.
Sa ilalim ng binagong FIBA rules, sina Lee at Moon ay ikinukunsi-derang mga naturalized players katulad nina Chris Ellis, Cliff Hodge at ilan pang mga bagong Fil-foreign players.
Gagamitin ng Koreans ang sinuman kina Lee o Moon na kanilang naturaÂlized player para sa Manila Asian meet na isang regional eliminaÂtion patungo sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ilang Korean-AmeÂricans ang kinaliskisan ng South Korea.
Nagtala si Lee ng 13 points sa kanilang six-point win laban sa Americans.
Ang Taipei at Jordan kasama ang Saudi Arabia ang makakalaban ng Gilas sa first round sa FIBA-Asia meet.