Mayo malapit nang makipag-ayos sa Bucks

MANILA, Philippines - Malapit nang makipag-ayos si free agent guard O.J. Mayo sa multiyear contract sa Milwaukee Bucks, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.

Ang 25-gulang na si Mayo ay magiging kapalit ng nawalang si guard J.J. Redick at pupuno sa inaasahang pag-alis ni Monta Ellis.

Si Mayo ay nag-average ng 15.3 points at 4.4 assists para sa Dallas Mavericks noong nakaraang season.

Show comments