MINNEAPOLIS (AP) -- Hindi na ilalaro ni Andrei Kirilenko ang huling taon sa kanyang kontrata kung saan tatanggap sana siya ng $10 milyon sa susunod na season para sa Minnesota Timberwolves upang ma-ging isang free agent.
Ginawa ni Kirilenko ang kanyang desisyon noong Linggo, ang deadline na nakasulat sa kanyang nilagdaang two-year, $20 million deal.
Wala pang pormal na pahayag ang Minnesota.
Sa hindi paglalaro sa kanyang huling taon para sa Timberwolves, umaasa si Kirilenko na makakahanap siya ng mas magandang alok mula sa ibang koponan.
Nagtala ang versatile forward ng mga averages na 12.4 points, 5.7 rebounds at 1.5 steals per game para sa Wolves na kanyang pinakamagandang season sapul noong 2005-06.
Sa lockout year, naglaro ang 32-anyos na player sa Russia at naging mahusay sa free-flowing system ni coach Rick Adelman.
Ngunit hindi nakalaro si Kirilenko sa 18 games bunga ng mga injuries.