Allen maglalaro pa rin para sa Miami Heat
MIAMI -- Ginamit ni Ray Allen ang kanyang $3.2 million player option noong Biyernes para maÂnatili sa back-to-back chamÂpions na Miami Heat sa susunod na season.
Pupuntiryahin ng Heat sa susunod na season ang kanilang pangatlong sunod na NBA title.
Si Allen ang nagsalpak ng mahalagang 3-pointer sa natitirang 5.2 segundo sa regulation sa Game 6 na nagtulak sa Miami sa overtime kontra sa San Antonio Spurs patungo sa Game 7 ng NBA Finals.
Gusto ng kanyang mga kakampi, coaches at Heat front office na manatili si Allen sa Miami kasama si Udonis Haslem.
Umalis si Allen sa Miami matapos ang kanilang end-of-season team meeting noong Martes na hindi nagbibigay ng kanyang desisyon sa koponan.
Maaari niyang piliing maging isang free agent para makatanggap ng mas mahabang kontrata at mas malaÂking suweldo.
Ngunit nagdesisyon siyang manatili sa Heat.
“There were so many moments down the stretch that allowed that shot to happen, and just incredible,†wika ni Allen sa team’s parade kamakailan. “So after Game 7, I have to say that is the biggest shot I’ve ever hit in my career.â€
Si Allen ay magiging 38-anyos sa susunod na buwan, ngunit nakita pa sa 102 laro ng Miami sa regular season at pati sa playoffs.
Naglista si Allen ng average na 10.9 points sa regular season at 10.2 points sa playoffs.
- Latest