Larry Bird babalik sa Indiana
INDIANAPOLIS – Matapos mawala ng isang taon sa basketball, nagkaroon uli ng lakas si Larry Bird.
Ngayon ay gusto niyang manalo ng championship.
Muling ipapakilala sa media si Bird, ang dating NBA star na nagbitiw sa kanyang trabaho noong nakaraang season matapos palakasin ang Indiana Pacers para manalo ng NBA executive of the year award, nitong Huwebes ng umaga bilang president of basketball operations na trabaho rin niya noong 2003-12.
“The year off gave me a chance to reflect, to rest, to take care of some health issues and it re-charged me,†sabi ni Bird sa statement na ibinigay ng team.
Hindi na surpresa ito sa lahat dahil iniulat sa kaagahan ng buwang ito na nakipagkita si Bird sa Sa-cramento para sa general manager position at naging regular sa public draft workouts ng Pacers.
Ang dating nakapuwestong si Donnie Walsh ay magiging team consultant.
- Latest