Lakers ginamit ang option kina Meeks, Sacre

EL SEGUNDO, Calif. -- Ginamit ng Los Angeles Lakers ang kanilang contract option kay guard Jodie Meeks at pinalawig ang qualifying offer kay center Robert Sacre.

Tatanggap si Meeks ng $1.55 milyon sa susunod na season.

Naglista siya ng mga averages na 7.9 points, 2.2 rebounds at 0.9 assists sa 78 games bilang backup ni Kobe Bryant noong nakaraang season.

Si Sacre ay isa namang restricted free agent matapos ang qualifying offer ng Lakers sa kanya. Ang 7-foot Canadian mula sa Gonzaga ay ang final pick sa nakaraang draft at nagtala ng mga averages na 1.3 points at 1.1 rebounds sa 32 games para sa Los Angeles sa nakaraang season.

Show comments