Landry mas piniling maging free agent

OAKLAND, Calif. -- Mas pinili ni power forward Carl Landry na huwag gamitin ang kanyang huling taon sa nilagdaan niyang two-year, $8 million deal sa Golden State Warriors para maging isang free agent.

Ayon sa manager ni Landry na si Mark Bartelstein, naging maganda ang nakaraang season ng power forward at nararapat lamang na makatanggap ng isang long-term deal sa open market.

Inasahan na ng Warriors na magiging free agent si Landry ngunit idinagdag ni Bartelstein na maaari pa ring bumalik ito sa Warriors.

Sinabi ni general manager Bob Myers noong nakaraang linggo na nakasaad sa kontrata ni Landry na kaila-ngan niyang ipaalam sa koponan ang kanyang desisyon bago ang NBA draft.

Nagtala ang 29-anyos na si Landry ng mga averages na 10.8 points at 6.0 rebounds sa loob ng 23.2 minutong paglalaro sa nakaraang season.

Show comments