Labanan sa UAAP overall title

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa basketball ang magiging labanan sa UAAP Season 76 kundi magiging mahigpit din ang kompetisyon para sa  general championship na pinagwagian ng La Salle noong nakaraang taon  upang putulin ang dominasyon ng UST.

Tangka ng Archers na ipagtanggol ang titulo ngunit inaasahang determinado ang UST Tigers na ibalik ang titulo sa kanilang poder.

Sumandal ang DLSU sa limang championships, limang runner-up fini-shes at 11 third-place fi-nish para tapusin ang 14-sunod na taong paghahari ng Santo Tomas.

Show comments