MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ni dating NBA guard Stephon Marbury ang kanyang shoe at apparel line na Starbury.
Ito ay matapos siyang dumating sa bansa kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 mula sa Malaysia.
Ipapanalisa ni Marbury ang paglulunsad niya ng kanÂyang ‘Starbury’ sa bansa.
Sinabi ni Marbury, naglalaro ngayon para sa Beijing Ducks sa Chinese Basketball Association (CBA), na natutuwa siyang makahalubilo ang kanyang mga FiÂÂlipino fans.
“I want to say hello to everyone,†sabi ni Marbury.
Apat na beses siyang napasama sa CBA All-Star Game at hinirang na All-Star Most Valuable Player noÂong 2010.
Ang pagbisita ni Marbury sa bansa ay bahagi ng laÂyunin niyang mailunsad ang kanyang product line sa banÂsa sa Disyembre.
Nakikipag-usap din siya sa isang private organization para sa kanyang posibleng donasyon.
Anim na charitable organizations sa China, karamihan dito ay para sa mga batang may sakit na cancer, ang kasalukuyang sinusuportahan ni Marbury.
“I hope to impart not just my knowledge in basketball, but also reach out to the community and help out in any way I can,†sabi ni Marbury.
“I’ve seen a lot of talented players in the Asian level and I won’t be surprised if more Asian players, including Filipinos, will one day make it to the NBA.â€