10 players inimbitahan para sa NBA Draft
BROOKLYN -- Inimbitahan ng NBA ang 10 plaÂyers para dumalo sa draft at maaaring magdagdag pa sa kanilang listahan, ayon sa ulat ng ESPN.com.
Ang mga inimbitahan sa green room ay sina NerÂlens Noel ng Kentucky, Victor Oladipo at Cody ZelÂler ng Indiana, Otto Porter ng Georgetown, Alex Len ng Maryland, Anthony Bennett ng UNLV, Ben McÂLemore ng Kansas, Trey Burke ng Michigan, Michael Carter-Williams ng Syracuse at C.J. McCollum ng Lehigh.
Ang nasabing mga players na pinili ng mga NBA geÂneral managers ang inaasahang unang makukuha sa draft.
Iniulat ng ESPN na ipinagbigay-alam na sa mga plaÂyer agents ang mga idadagdag na players bago ang draft.
Ang mga nakatanggap ng imbitasyon ay sina Kentavious Caldwell-Pope ng Georgia, Steven Adams ng Pittsburgh, Shabazz Muhammad ng UCLA, Sergey KaÂrasev ng Russia, Kelly Olynyk ng Gonzaga at GiÂanÂnis Antetokounmpo ng Greece.
Nakatakda ang draft sa Huwebes sa Barclays Center sa Brooklyn, N.Y.
- Latest