MANILA, Philippines - Tapusin ang pamamayagpag ng NLEX Road Warriors ang mis-yon ng Blackwater Sports sa Game Two ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa ganap na ika-3 ng hapon magsisimula ang tagisan at tiyak naman na gagawin ng Road Warriors ang lahat ng makakaya para pigilan ang Elite at maihirit ang deciding Game Three sa Huwebes.
Tiwala si Elite coach Leo Isaac sa kakayahan ng kanyang mga bata na tapusin ang serye at ibigay sa prangkisa ang kauna-unahang kampeo-nato sa liga.
“Sana matapos na,†wika ni Isaac. “Ang nakuhang panalo ay nagbigay ng dagdag-kumpiyansa sa mga players na kaya talaga nilang talunin ang NLEX.â€
Nakitaan ng tibay ng dibdib ang Elite sa Game One nang hindi nasiraan ng loob kahit binigyan ng matinding laban sa hu-ling yugto tungo sa 70-67 panalo.
Si Allan Mangahas ay mayroong all-around game na 16 puntos, 12 rebounds, 5 assists, 2 steals at 1 blocks habang si Justin Chua ay mayroong 17 puntos at ang isa pang beteranong si Narciso Llagas ay may 10 rebounds para tulungan ang Elite na manalo sa rebounding, 53-43.
“Ang apat na araw na pahinga ay ginamit namin para maipahinga ang kanilang mga katawan dahil expected kong mas magiging mahirap ang larong ito dahil gagawa ng adjustment ang NLEX,†sabi pa ni Isaac.
Tiyak namang magpapakamatay ang NLEX para makuha ang panalo at manatiling buhay ang paghahabol sa puntiryang ikalimang sunod na titulo.
“Puwede pang bumawi dahil unang game pa lang ang natapos. Pero dapat naming tapatan ang kanilang intensidad,†ani Road Warriors coach Bo-yet Fernandez.
Ang dapat na gawin ng Road Warriors ay ang mapanumbalik ang kanilang shooting touch matapos magtala lamang ng 34.3% shooting (24-of-70).