Sauler bagong coach ng La Salle
MANILA, Philippines - Isama na ang De La Salle sa magpaparada ng baÂgong head coach para sa UAAP Season 76.
Inihayag kahapon ni La Salle president Br. RicÂky Laguda sa kanilang koÂmunidad ang paghirang kay Marco Januz ‘Juno’ Sauler bilang kahalili ng daÂting head coach na si Gee Abanilla.
Si Sauler ay ang assisÂtant ni Abanilla at isa ring deputy coach ni Alfrancis Chua sa Barangay GinebÂra na sumegunda sa PBA Commissioner’s Cup.
Si Abanilla ay naupo sa puwesto noong nakaraang taon.
Naibalik din niya ang Green Archers sa Final Four matapos mawala noÂong Season 74 nang angÂkinin ang 9-5 karta sa elimination round at tinalo ang FEU sa playoff para sa puwesto sa semis.
Pero hindi naging maÂganda ang ipinakita ng La Salle sa Fil-Oil Pre-Season Cup nang matalo sa Ateneo sa pagtatapos ng elims bago nasundan ng pagyukod sa San Beda sa knockout quarterfinals.
Nilinaw naman ni La Salle Board Member HenÂry Atayde na ang deÂsisyon na magpalit ay hinÂdi dahil sa naipakita ng koponan sa pre-season kunÂdi dahil pinapabalik na si Abanilla ng Petron Blaze na kung saan siya ay isang assistant coach.
“Petron is recalling him due to re-organization that is happening,†wika ni Atayde kay Abanilla.
Bagama’t magiging coach ng men’s team sa unang pagkakataon, si Sauler na daÂting player at naupo bilang deputy ni Franz Pumaren noong 1998, ay isang three-time champion coach sa woÂmen’s division para sa LaÂdy ArÂchers.
- Latest