P32,300 ang Premium A ticket para sa pre-season game ng Pacers at Rockets sa Oct. 10 sa MOA Arena

MANILA, Philippines - Ang pagkakataong ma­­panood ng personal at ma­lapitan ang mga kaga­ya nina Paul George at Roy Hibbert ng Indiana Pa­­cers at Jeremy Lin at James Harden ng Houston Rockets ay nagkakaha­la­ga ng P32,300.

Ito ang presyo ng Premium A seats para sa pre-season game ng Pacers at Rockets na nakatakda sa Oktubre 10 sa MOA Are­na sa Pasay City.

Lubhang mas mataas ang naturang presyo ng ti­ket kumpara sa P27,000 sa Rihanna “Diamonds World Tour” concert no­ong Abril sa MOA Arena.

Ang Premium A seats ay nagkakahalaga ng P32,300 kasunod ang P27,000 para sa Premium B, P8,400 para sa Section C, P4,200 para sa Section D at P550 naman para sa Section E.

Kasama sa babayaran sa Premium A seats ang mga limited edition na com­memorative NBA mer­­chandise, pagkain at front court view.

“We want more Filipinos to enjoy this true NBA experience not by only enjoying the world-class basketball game between two exciting young teams but we will also throwing in limited edition Global Games merchandise and a lot more,” ani  Mall of Asia Arena business unit head Arnel Gonzales.

Sisimulan ang pagbe­benta ng mga tiket sa Hun­yo 16 sa ganap na alas-10 ng umaga.

Ito ang kauna-una­hang NBA Global Game sa Pilipinas at inaasahang tatangkilin ng mga bas­ket­­ball fans.

“I would like to take this opportunity to say that the Indiana Pacers are thrilled to beco­ming to the Philippines for the first-ever NBA pre-season game in your country,” sabi ni Pacers team owner Herb Simon sa isang video message sa kanyang pagdalaw sa ban­­sa.

Bukod kina Lin, isang American-Taiwanese, at Har­­den, inaasahang ipa­pa­rada rin ng Houston si Chandler Parsons na si­na­­sabing nakakausap ni ac­­tress/host KC Concepcion sa Twitter.

 

Show comments