Maganda ang kondisyon ng kabayong St. Mark
MANILA, Philippines - Lumabas ang magandang kondisyon ng kaba-yong St. Mark para makapanorpresa sa pagbubukas ng karera sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Martes ng gabi.
Si JB Cordero ang gumabay sa nasabing kabayo na dinomina ang Class Division 1-A na pinaglabanan sa 1,300-metro distansya.
Mahusay na nailusot ni Cordero ang St. Mark sa gitna ng mga nasa unahang Special Key at Erica’s Champ sa huling 100-metro para makuha ang panalo.
Unang nagdomina ang Special Key ni ES De Jesus pero naubos ito at hindi natapatan ang malakas na pagdating ng St. Mark.
Ang Bon Jour na tulad ng Toy Warrior na mga patok sa karera ay tumawid sa ikatlong puwesto habang hindi nakatimbang ang Toy Warrior.
Nagpista ang mga nanalig sa galing ng St. Mark dahil P219.50 ang ipinamahagi sa win habang ang 4-6 forecast ay may P345.50 dibidendo.
Pinangatawanan naman ng Extra Ordinary at Bondi Junction ang pagiging paborito nang dominahin ang mga sinalihang karera.
Isang SRF-NHG-HR-10 ang karerang sinabakan ng Extra Ordinary na hawak ni JB Cordova at hindi nabigo ang hinete na ibigay sa kabayo ang ikatlong dikit na panalo sa buwan ng Mayo matapos iwanan ang Dancing Storms.
May P5.00 ang ibinigay sa win ng Extra Ordinary habang nasa P20.50 ang dibidendo sa 6-5 forecast.
- Latest