MANILA, Philippines - Muling magtatagpo sina WBO light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ng Murcia, Negros Occidental at mandatory challenger Moises Fuentes sa isang rematch sa Mexico ngayong taon.
Sinabi ni manager Michael Aldeguer na nagkasundo na sila ng Zanfer, ang Mexican outfit na nagpo-promote kay Fuentes, na idaos ang rematch sa Mexico sa Nobyembre o Disyembre.
Noong Marso, naglaban sina Nietes at Fuentes sa isang majority 12-round draw sa Waterfront Hotel Pacific Ballroom sa Lahug. Kapwa inireklamo ng magkabilang kampo ang nasabing desisyon.
Ayon sa manager ni Fuentes na si Marco Antonio Barrera, malinaw na nanalo si Fuentes sa apat na rounds.
Ngunit kinontra naman ito ni ALA Boxing chairman Tony Aldeguer at nagsabing si Nietes ang tunay na nagwagi. Nang labanan ni Fuentes si Nietes ay hawak pa ng Mexican ang kanyang WBO minimumweight championship.
Ngunit ang titulo ay isinuko na ng Mexican at ngayon si Nietes ang No. 1 contender sa 108-pound division. Si Filipino Merlito Sabillo, kabilang din sa ALA stable, ang pumalit kay Fuentes bilang WBO 105-pound titleholder.