MANILA, Philippines - Sunud-sunod ang mga panalo na naiposte ng mga kabayong sinasanay ng batikang trainer na si Ruben Tupas upang hiranging kauna-unahang trainer ng taon na pumasok sa million peso list.
Sa talaan na lumabas mula sa Philippine Racing Commission (Philracom), si Tupas ay kumabig na ng P1,167,086.22 premyo para iwanan na ang mga naghahabol sa pangunguna.
Umani si Tupas ng 13 panalo sa buwan ng Abril bukod pa sa 13 segundo, 10 tersero at 10 kuwarto puwesto para katampukan ang patuloy na pangunguna sa kanyang hanay. Sa kabuuan, may 62,46,40 at 35 una hanggang ikaapat na puwesto karta ang trainer.
Si DR dela Cruz ay nananatili sa ikalawang puwesto sa naipasok ng P829,010.59 sa kanyang kaban-yaman.
Umani ang nasabing trainer ng 15 panalo, 16 segundo, 11 tersero at 7 kuwarto puwesto para sa kabuang 47-50-48-35 karta.
Nasa ikatlong puwesto pa rin si JA Lapus sa P516,805.02 panalo mula sa 25-35-39-37 una hanggang ikaapat na puwestong pagtatapos ng mga si-nanay na kabayo.
Nagrambulan naman ang mga trainers na nasa sumunod na mga puwesto.
Ang dating nasa ikaapat na si RR Rayat ay bumaba sa pang-siyam na puwesto matapos ang apat na buwan nang magtala lamang ng apat na panalo noong Abril para sa P401,602.86 (25-22-21-19).
Umangat sa fourth place si Johnny Sordan nang magtala na ng 31 panalo, 18 segundo, 21 tersero at 23 kuwarto puwesto para sa P477,244.28 premyo.
Nasa ikalimang puwesto ang dating nasa ikawalo na si Conrado Vicente sa P474,907.90 kinita (29-31-32-25) habang si MM Vicente na dating nasa ikalimang puwesto, ay nahulog sa ikaanim sa P456,918.03 (32-17-27-30).
Ang iba pang nasa top ten sa mga trainers ay sina RR Yamco sa ikapitong puwesto sa P412,390.26 (23-26-33-34), AC Sordar Jr. sa ikawalo sa P403,580.54 (27-19-23-21), at RR Henson sa pang-sampung puwesto sa P400,354.64 (19-26-30-25).