Allen pinagmulta ng $5K dahil sa flopping

MEMPHIS, Tenn. -- Pinagmulta ng NBA si Grizz­lies guard Tony Allen ng $5,000 dahil sa paglabag sa an­ti-flopping rule ng NBA sa Game 2 ng kanilang Wes­tern Conference finals ng San Antonio Spurs.

Tinawagan ng mga referees ng flagrant foul si Ma­nu Ginobili sa pagsambot sa braso ni Allen nang sasa­laksak ang Grizzlies guard sa basket sa huling 26.1 se­gundo sa regulation noong Martes.

Bumagsak si Allen sa sahig at nagpagulung-gulong ha­wak ang kanyang ulo.

Ipinakita sa replay na hindi tumama sa sahig ang ulo ng Grizzlies guard.

Tumipa si Allen ng dalawang free throws at nakuha ng Grizzlies ang bola para itulak ang overtime.

Nanalo ang Spurs sa overtime, 93-89.

 

Show comments