^

PM Sports

Kabayong Heyday nagpasiklab

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumabas ang husay ng imported horse na Heyday matapos dominahin ang Summer Racing Festival Imported Maiden M-B race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hinintay ni LT Cuadra na pumasok sa huling kurbada ang karera na inilagay sa 1,300-metro para iwanan ang mga kasabayan.

Naunang pumangatlo ang Heyday pero nasa labas ang tambalan upang agad na makabulusok.

Sinikap ng King Samer ni Fernando Raquel Jr. na habulin ang nasa unang kalaban pero kulang na siya ng distansya para makontento sa ikalawang puwesto.

Unang panalo ito ng Heyday matapos ang tatlong ikalawang puwestong pagtatapos para mapangatawanan ang pagiging  pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa gabi sa pista sa bakuran ng Manila Jockey Club, Inc.

Halagang P6.00 ang dibidendo sa Heyday habang P11.50 ang 5-3 forecast.

Nakapanorpresa naman ang Market Value na sakay ni Jessie Apellido matapos manaig sa Summer Racing Festival (NHG-HR-11-12) dibisyon.

Sumunod lamang ang tambalan sa ayre ng King Ramfire na hawak ni Rodeo Fernandez at nagba-lak na palawigin ang pagpapanalo sa tatlong sunod sa buwan ng Mayo.

Pero sa rekta ay inalpasan na siya ng Marker Value bago nagtuluy-tuloy na sa meta.

Hindi tumimbang ang Market Value sa hu-ling mga takbo nito para makapagbigay ng P67.50 sa win habang ang forecast na 6-5 ay may P232.50 na ipinamahagi.

 

FERNANDO RAQUEL JR.

JESSIE APELLIDO

KING RAMFIRE

KING SAMER

MANILA JOCKEY CLUB

MARKER VALUE

MARKET VALUE

RODEO FERNANDEZ

SAN LAZARO LEISURE PARK

SUMMER RACING FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with