Cebu vs Laguna para sa titulo ng PBA Youngstars

MANILA, Philippines - May 24 oras ang Cebu upang baguhin ang kanilang kapalaran sa Coca-Cola-PBA Youngstars National Championships. O kaya ay puwede namang ipaubaya na lamang nila ang kanilang kapalaran sa Laguna.

Kung hindi titibagin ng  Cebuanos ang lakas ng Laguna, uuwi silang luhaan pagkatapos ng alas-4:00 ng hapong laban sa Blue Eagle gym.

Umiskor si Frederick Tungcab ng 22 points at nag-ambag si Gio Calacalsada ng 17 nang dominahin ng Laguna ang Cebu, 72-41 sa pagsasara ng eliminations kahapon sa JCSGO gym para itak-da ang kanilang titular showdown.

Sa iba pang laro, dinurog ng KABAKA-Manila ang Cagayan de Oro, 80-65 sa pangunguna ng 15 points ni Tommy Gadaria at 14 ni Ivan Andaya habang inilampaso din ng Pampanga ang San Juan City, 94-65 sa pangunguna naman nina Jamil Garcia at Allen Paul dela Cruz na may tig-18-points.

Tinapos ng Laguna ang eliminations na may five-game sweep. Pumangalawa ang Cebu sa 4-1 card kasunod ang Pampanga (3-2), KABAKA-Manila (2-3), Cagayan de Oro (1-4) at San Juan (0-5).

 

Show comments