Ina ni Curry naging abala sa Mother’s Day

OAKLAND, Calif. – Halos naging abala si Sonya Curry, ang ina ni Golden State Warriors’ star guard Stephen Curry sa Mother’s Day.

Kasama ang kanyang asawang si dating NBA pla­yer Dell Curry, dumalo sila sa college graduation ng ka­nilang anak na si  Seth sa Duke in Durham, N.C., no­ong Linggo ng umaga.

Matapos ito, nanood naman ang mag-asawa ng te­lebisyon kung saan nalampasan ni Stephen ang isang ma­jor ankle injury para tumipa ng 22 points sa loob ng 38 minuto at tulungan ang Warriors sa 97-87 overtime victory laban sa San Antonio Spurs sa Game 4.

“I watched a graduation,” wika ni Sonya Curry sa isang phone interview ng Yahoo! Sports. “Then the Warriors won. My day is complete.”

“Every Mother’s Day is wonderful. But this one will stand out because a lot of stuff happened,” dagdag pa nito.

Gumising si Curry noong Linggo ng umaga na may swollen ankle.

Ang naging kalaban ni Curry sa kanyang four-year NBA career ay ang kanyang mga ankle injuries.

Sumailalim na siya sa dalawang surgery sa kanyang kanang paa.

Ang pinakahuli niyang nalasap ay isang sprained left ankle sa kanilang kabiguan sa Game 3.

 

Show comments