Blackwater may tsansa pa sa outright semis seat
LARO NGAYON
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. – Cagayan Valley vs Cebuana Lhuillier
4 p.m. – NLEX vs EA Regens
MANILA, Philippines - Tinapos ng Blackwater Sports ang dalawang diÂkit na kabiguan na bumuÂlaga sa koponan gamit ang 85-75 panalo sa Hog’s Breath para magkaroon ng tsansa sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Foundation Cup kaÂhapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Ibinuhos ni Allan MaÂngahas ang anim sa kanÂyang 17 puntos sa huling 2:34 minuto para ibangon ang Elite mula sa 71-72 agwat at wakasan ang kamÂpanya sa eliminasyon bitbit ang 8-3 karta.
Nabawi ng tropa ni coach Leo Isaac ang lideÂraÂto sa NLEX, ngunit hinÂdi pa sila tiyak sa insenÂtiÂbo na makukuha ng Top Two teams matapos ang eliÂÂminasyon dahil kailaÂngan pa nilang antayin ang resulta ng mga huling laro ng Road Warriors at Fruitas.
Tinalo ng Shakers ang Café France, 73-69, para kuÂnin ang ikapitong panaÂlo sa 10 laro.
May posibilidad na magÂkatabla ang Shakers at Elite sa 8-3 karta kung magÂwagi ang tropa ni coach Nash Racela sa BoÂraÂcay Rum sa huling laro sa Huwebes.
Kung mangyayari ito, ang Fruitas ang aabante sa Final Four dahil nanalo sila sa Elite.
May 9 boards at 5 assists pa si Mangahas, habang si Kevin Ferrer ay mayroon ding 17 puntos para sa Elite na magkakaroon naman ng ‘twice-to-beat’ advantage sakaling malaglag sa quarterfinals.
- Latest