MANILA, Philippines - Nasungkit ng Alaska ang unang tiket sa championship series ng 2013 PBA Commissioner’s Cup nang talunin ang San Mig Coffee, 83-78, sa haÂrap ng 10,775 fans sa Smart Araneta Coliseum kaÂgabi.
Naitala ng Aces ang panalo mula sa pagkabaon sa 15 puntos sa third quarter para magwagi sa kanilang best-of-five semifinals duel sa 3-1.
Matapos matalo ng siyam na sunod sa daÂting head coach nitong si Tim Cone simula noong nakaraang season hanggang sa Game 1 ng serye, tinalo ng Alaska ng tatlong sunod ang San Mig Coffee para makabalik sa PBA Finals sapul noong 2010 Fiesta Conference sa piling ni Cone kung saan nakopo din nila ang kanilang huling titulo.
Nalimitahan ng MiÂxers si Alaska import RoÂbert Dozier sa kanyang PBA career-low na anim na puntos, pero lima dito ay kanyang naibuslo sa huling 2:05 minuto ng laro kung saan kumawala ang Aces mula sa 77-76 kalamangan.
Sina Cyrus Baguio, JVee Casio at Calvin Abueva ang nakaiskor ng double figures para sa Alaska na pumasok sa pang-26th na Finals overall o mula nang pumasok sa liga noong 1987.
Ang 23 puntos at 22 rebounds ni Denzel Bowles ang nagbida para sa Mixers na hindi nagamit ang may back injury na si James Yap.
Samantala, maghaharap para sa huÂling pagkakataon ang Talk ‘N Text at ang Barangay Ginebra para sa karapatang makapasok sa Finals.
Nakatakda ang ‘sudden-death’ Game 5 ng best-of-five semifinals seÂrÂies ng Tropang Texters at Kings ngayong alas-6:15 ng gabi sa Smart AraÂneta Coliseum na inaÂasahang mapupuno hanggang sa bubungan.
Nakataya para sa Talk ‘N Text ang pangalawang sunod na Finals at pang-pito sa huling walong conÂferences at pagkakataÂon na muling ambisyunin ang Grandslam matapos mapanalunan ang Philippine Cup noong nakaraang Enero.
Para naman sa Ginebra, naitabla ang serye nang kunin ang isang 104-101 panalo sa Game 4 noÂong Biyernes, pagkaÂkataon naman nila itong makabalik sa PBA Finals makaraan ang dalawang seasons.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Kings para kumpletuhin ang kanilang pagbabalik mula sa 0-4 at 1-5 na mga simula sa conference.
Mababale-wala ang kaÂnilang mga pinaghiraÂpan, kabilang na ang pagÂpanalo ng tatlong ‘do-or-die games’ sa playoffs at pagkawala ng kanilang leaÂding local scorer na si Mark Caguioa, kapag hindi nanalo ang Ginebra sa Talk ‘N Text.
“Kapag inisip kasi naÂming we’ve already accomplished anything by coÂming this far, walang mangyayari sa amin,†wiÂka ni head coach Alfrancis Chua.
Alaska 83 - Baguio 16, Casio 15, Abueva 14, Thoss 9, Dela Cruz 9, Espinas 7, Dozier 6, Hontiveros 5, Jazul 2, Belasco 0.
San Mig Coffee 78 - Bowles 23, Devance 18, Barroca 14, Simon 10, Pingris 5, Mallari 3, Reavis 3, Najorda 2, Gonzales 0, De Ocampo 0.
Quarterscores: 25-24; 34-48; 60-64; 83-78.