Fisher pinagmulta ng $5,000 dahil sa flopping

OKLAHOMA CITY – Pinagmulta si Derek Fisher ng Oklahoma City ng $5,000 ng NBA nitong Lunes dahil sa flopping sa Game 5 ng  first-round playoff series ng Thunder kontra sa Houston Rockets.

Ang pagmumulta ni Fisher ay resulta ng play sa second quarter nang siya at ang kanyang teammate na si Kevin Martin ay tumumba nang salubungin ni Houston center Omer Asik. Si Asik ay tinawagan ng offensive foul sa naturang play.

Si Fisher ang ikalawang player na namultahan sa ilalim ng bagong rule ng liga ukol sa flopping sa postseason matapos si Jeff Pendergraph  ng Indiana noong Linggo.

Sa playoffs, minumultahan ng NBA ang mga players ng $5,000 sa kanilang unang flopping offense, $10,000 sa second offense, $15,000 sa third flop at $30,000 sa ikaapat na pagkakataon.

Show comments