Gallinari sumailalim na sa isang surgery sa tuhod

DENVER -- Inihayag ng Denver Nuggets na su­ma­ilalim na sa isang surgery si forward Danilo Galli­nari para ayusin ang meniscus sa kanyang kaliwang tu­hod kasunod ang isa pang operasyon para sa kanyang ACL injury.

Ang operasyon sa kanyang meniscus ay isinagawa noong Lunes sa Steadman Clinic sa Vail, Colo.

Sasailalim siya sa rehabilitation bago itakda ang pag-aayos sa kanyang ACL.

Umaasa si Gallinari na makakabalik sa paglalaro para sa susunod na season.

Nasaktan ang kaliwang tuhod ni Gallinari noong Abril 4 laban sa Dallas nang magkamali sa kanyang lay­up.

Umalog ang kanyang tuhod kasabay ng kanyang pag­bagsak.

Hindi nakapaglaro si Gallinari para sa Nuggets sa kanilang first-round playoff series laban sa Golden State Warriors.

Nagtatala siya ng mga averages na career-highs sa points (16.2) at rebounds (5.2) ngayong season.

Pinangunahan din niya ang Denver mula sa kanyang 135 three-pointers.

Show comments