Prigioni hindi nakalaro para sa Knicks

NEW YORK --- Wala sa lineup ng New York Knicks si starting point guard Pablo Prigioni sa ka­nilang playoff opener laban sa Boston Celtics bunga ng kanyang ankle sprain.

Si Raymond Felton ang pumalit sa puwesto ni Prigioni.

Sinabi ni Knicks coach Mike Woodson na malaki ang tsansang makapaglaro si Prigioni sa Game 2 sa Mar­tes.

Nagtatala si Prigioni ng mga averages na 3.5 points at 3.0 assists sa loob ng 16.2 minuto ngayong season.

Show comments