MANILA, Philippines - Kabuuang 168 atleta na kalahok sa 2013 Palarong PamÂbansa ang nakaranas ng diarrhea isang araw bago buksan ang nasabing annual sports event sa DumaÂgueÂte City.
Ayon kay Office of Civil Defense Region 7 Director Minda Morante, ang 168 atleta mula sa Tacloban ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan at kaagad dinala sa Negros Oriental Provincial Hospital noong Sabado.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang diarrhea outbreak ay sanhi ng juice na ibinigay sa mga atleta ng TacÂloban.
Nagbukas ang 2013 Palarong Pambansa kahapon kung saan halos 8,000 atleta mula sa 17 rehiyon ang suÂmali.
Huling idinaos ang Palarong Pambansa sa LingaÂyen, Pangasinan noong 2012.