Pacquiao posibleng lumaban sa Macau

MANILA, Philippines - Matapos si Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria, posibleng si Manny Pacquiao ang maging ikala­wang Filipino boxer na la­laban sa The Venetian re­sort and hotel sa Macau nga­yong taon.

Ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, umaasa siyang mapapa­payag niya ang Filipino world eight-division cham­pion na lumaban sa naturang venue sa ka­bila ng kabiguan ni Viloria na maidepensa ang kan­yang mga suot na WBO at WBA flyweight titles la­ban kay Mexican Juan Francisco Estrada via split decision noong Sa­bado ng gabi.

“I hope so. I certainly hope so,” sabi ni Arum sa posibleng pagdaraos ng laban ng 34-anyos na si Pacquiao sa The Venetian.

“That will not be this summer, but will maybe in the fall,” dagdag pa ng 81-anyos na promoter. “I know he has expressed his desire to fight here, so we are working on that.”

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pa­ha­yag si Pacquiao kung si­no ang gusto niyang la­banan ngayong taon at kung kailan at saan ito ga­gawin.

Ilan sa mga panga­lang lumilitaw ay sina Juan Manuel Marquez at Ti­mothy Bradley, Jr. na siyang tumalo kay Pacquiao noong nakaraang ta­on.

Isang split decision win ang ki­nuha ni Bradley para aga­­win kay Pacquiao ang su­ot nitong WBO wel­terweight title no­­ong Hun­yo 9, habang pi­­natumba naman siya ng 39-anyos na si Marquez sa sixth round sa ka­nilang ikaapat na salpukan noong Dis­yembre 8.

Show comments