Tupas nanatili sa unahan sa hanay ng mga trainers sa palakihan ng panalo

MANILA, Philippines - Dinoble ni Ruben Tupas ang panalong nakuha noong Enero sa buwan ng Pebrero para manatiling nasa unahan sa hanay ng mga trainers kung palakihan ng panalo ang pag-u­usapan.

Umabot na sa 30 panalo, 18 segundo, 14 tersero at 17 kuwarto puwesto ang tinapos ng mga panlabang kabayo na sinanay ni Tupas upang ang mahigit na P291,000.00 na kinita sa buwan ng Enero ay lumawig pa sa P558,360.55 premyo sa ikalawang buwan ng taon.

Hindi naman natinag sa kanilang mga puwesto si­na Dave Dela Cruz at JA Lapus na nanatiling na­sa ikalawa at ikatlong pu­westo.

Nadagdagan ng 13 pa­nalo ang karta ni dela Cruz noong buwan ng Peb­rero upang umabot na sa 23 ang kanyang pa­nalo bukod pa sa 24 se­gundo, 31 tersero at 21 kuwarto puwesto para sa P429,746.65 premyong na­panalunan na.

Si Lapus na isa ring ba­tikang horse owner, ay may siyam na panalo, 21 segundo, 18 tersero at ganoon ding dami ng pu­mang-apat na puwesto pa­ra sa P259,651.65 prem­yo.

Pumasok sa ikaapat na puwesto si JC Pabilic at itulak pababa ang dating nasa puwesto na si MM Vi­cente.

Kumabig si Pabilic ng P247,694.40 gamit ang tig-14 una at ikalawang puwesto bukod pa sa 13 ikatlo at 6 na pang-apat na puwestong pagtatapos.

Mayron ngayong P234,503.43 premyo sa 16 panalo, 9 segundo, 13 tersero at 14 kuwarto pu­westong pagtatapos si Vi­cente para malagay sa ikalimang puwesto.

Umangat sa ikaanim na puwesto si RR Henson na dati ay nasa ikapitong pu­westo sa P231,524.12 (8-17-18-11) habang si AC Sordan, RR Rayat, Da­nilo Sordan at RR Yamco ang nakasama sa unang sampung puwesto.

Si Sordan ay mayroong P205,090.48 premyo (14-7-11-12), si Rayat ay may­roong P203,423.58 prem­yo (12-12-10-8), si Sordan ay mayroong P202,216.08 (12-11-16-2) at si Yamco ay tumipak ng P181,195.56 (11-6-17-17).

Ang mga trainers na sina CL  Alvarez at JC Sor­dan na nasa top ten sa unang buwan ng taon ay bu­maba rin.

Si Alvarez na naunang nalagay sa ikawalong pu­westo ay nasa ika-11 puwesto ngayon sa P176,309.82 (11-11-6-9), ha­bang si Jordan na dati ay nasa ika-10 puwesto ay bumaba pa sa ika-13 puwesto bitbit ang P169,934.42 (9-7-10-7).

 

Show comments