^

PM Sports

Bosh itinawid ang Miami sa San Antonio; New York pinayukod naman ang Boston

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Hindi dapat kalimutan si Chris Bosh bilang miyembro ng ‘Big Three’ ng Miami.

Sa pamamahinga nina LeBron James at Dwyane Wade dahilan sa injury, umiskor si Bosh ng 23 points, tampok ang krusyal na 3-point shot sa huling 1.9 segundo, para igiya ang Heat sa 88-86 panalo kontra sa San Antonio Spurs noong Linggo ng gabi.

Hindi pinaglaro ni Fil-Am head coach Erik Spo­els­tra sina James (right hamstring), Wade (right an­kle injury) at Mario Chal­­mers (sprained right an­kle), na­nood lamang sa locker room, dahil sa ka­nilang mga injuries.

Nag-ambag si Ray Allen ng 14 points, habang may 13 si Norris Cole at 12 si Mike Miller para sa Miami.

Nauna nang binigo ng Heat ang Spurs, 105-100, noong Nobyembre 29 kung saan hindi pinaglaro ng San Antonio sina Tim Dun­can, Tony Parker, Ma­­nu Ginobili at Danny Green.

Nagtala si Duncan ng 17 points at 12 rebounds at may 17 points at 11 rebounds si Kawhi Leonorad para sa Spurs, napigilan ang seven-game home winning streak.

Sa New York, tumipa si Carmelo Anthony ng 24 points at 10 rebounds para igiya ang Knicks sa 108-89 pananaig sa Boston Celtics.

Nagdagdag si Chris Copeland ng 22 points at may 18 si Raymond Fel­ton para sa Knicks, nakamit ang kanilang pang-wa­long sunod na panalo.

Umiskor si Jeff Green ng 27 points, habang humakot ng 24 points at 15 boards si Paul Pierce para sa Celtics.

 

BIG THREE

BOSTON CELTICS

CARMELO ANTHONY

CHRIS BOSH

CHRIS COPELAND

DANNY GREEN

DWYANE WADE

ERIK SPO

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with