MANILA, Philippines - Labing isang araw pa bago ang kanyang pagtaÂtanggol sa korona kontra kay Mexican challenger Juan ‘El Gallo’ Estrada ay dumating na sa Macau, ChiÂna si unified world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria.
Kasama ni Viloria sa naturang biyahe mula sa Los Angeles, California ang kanyang asawang si Erica, si Filipino trainer na si Marvin Somodio at si Mexican trainer Ruben Gomez.
Sinabi ni Viloria na ipagpapatuloy niya ang kanyang paghahanda para sa kanilang upakan ni Estrada sa Abril 6 sa Venetian Macao Resort Hotel.
“Made it to Hong Kong,†sabi ni Viloria sa kanyang Twitter account kahapon.
Idedepensa ng 32-anyos na si Viloria ang kanyang mga bitbit na World Boxing Organization at World BoÂxing Association flyweight belts kontra sa 22-anÂyos na si Estrada.
Kasalukuyang tangan ni Viloria ang kanyang 32-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, habang hawak ni Estrada ang kanyang 22-2-0 (17 KOs) card.
Sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Boxing Club sa Los Angeles, nakasabayan niya si two-time Olympic Gold medalist Zou Shiming ng China.
Ang 31-anyos na si Shiming ay nasa ilalim ni traiÂner Freddie Roach.
Makakatapat ng three-time gold medal winner ng World Amateur Boxing Championships na si ShiÂming para sa kanyang professional debut si Mexican Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang non-title, four-round flyweight bout.