Pilipinas, Turkmenistan at Cambodia binigyan ng panalo dahil sa pag-atras ng Brunei

MANILA, Philippines - Binigyan ng Asian Foot­ball Conferederation ng tig-iisang panalo ang Pi­­lipinas, Turkmenistan at Cam­bodia bunga pag-at­­ras ng Brunei sa AFC Chal­lenge Cup Group E Qua­lifiers na nagsimula kagabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sa opisyal na website ng torneo, nabiyayaan ng 3-0 panalo ang nasa­bing tatlong bansa nang ikun­siderang default ang kanilang mga laro kontra sa Brunei.

Umatras ang Brunei sa pagsali sa torneo ilang araw bago simulan ang kom­petisyon.

Ipinaalam ng Brunei sa AFC ang desisyon na hu­wag lumahok noong Mar­so 20.

Ang idinahilan ng Bru­nei ay ang “unavoida­ble circumtances”.

Ang unang laro kagabi ay sa pagitan ng Cambo­dia at Turkmenistan.

Ang mananalo ang si­yang kukuha sa liderato sa tatlong bansang torneo.

Unang makakasagupa ng Philippine Azkals ang Cambodia bukas bago la­banan ang Turkmenis­tan sa pag­tatapos ng kom­petis­yon sa Martes.

“This gives us two more days to get our new players time to adjust to the time and tempe­rature,” wika ni Azkals Ger­man head coach Hans Michael Weiss.

Asam ng Azkals na ma­sikwat ang pangunguna sa kompetisyon at resbakan ang Turkmenistan na tumalo sa kanila, 2-1, sa 2012 AFC Challenge Cup semifinals sa Nepal.

“We have a very good team and I feel excitement not pressure,” dagdag ni Weiss.

Ang mga laro ng Azkals ay itinakda sa alas-7:30 ng gabi at inaasa­hang dudumugin ng mga mahihilig sa football.

 

Show comments