^

PM Sports

Delonte West magre-report sa D-League

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nag-aalala ang mga NBA teams sa mga hindi magandang inasal ni free-agent guard Delonte West, nakatakda itong mag-report sa Texas Legends of the Development League sa Lunes, ayon sa mga source.

Plano ni West, na-diagnose na may bipolar disorder,  na sumanib sa Legends sa kaagahan ng February ngunit hindi siya dumating. Sapul nang mapagtanto niyang ang D-League lang ang maaari niyang maging daan pabalik sa NBA, nakapag-isip si West.

Aalis ang Texas nitong Linggo para sa two-game road trip laban sa Los Angeles at Bakersfield at plano ni West na dumating sa Texas sa Lunes at samahan ang team pagbalik sa Frisco  sa Huwebes, ayon sa source.

Ini-release ng Mavericks si West matapos ang isang insidente sa locker room noong preseason. Mahalaga ang kanyang naging papel sa Dallas noong isang season sa isang one-year contract.

Bagama’t ang Legends ay affiliated sa Mavericks, sinabi ni Dallas owner Mark Cuban na wala siyang balak kunin uli si West.  Kahit anong team sa NBA ay puwedeng kumuha sa kanya.

 Sapul nang i-release si West, walang kumuhang team sa kanya.

Sa kanyang 8-season sa NBA,  naging ma-laking bagay si West  sa Cleveland, Boston at Dallas. Nag-average siya ng 9.7 points at 3.6 assists.

 

vuukle comment

AALIS

BAGAMA

D-LEAGUE

DELONTE WEST

LOS ANGELES

MARK CUBAN

SAPUL

TEXAS LEGENDS OF THE DEVELOPMENT LEAGUE

WEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with