MANILA, Philippines - Nagningning ang paglahok ni Francisco “Django†Bustamante sa 15th Derby City Classic nang hirangin siya bilang Master of the Table champion ng torneo na natapos kahapon sa Horseshow Casino and Hotel sa Eli-zabeth, Indiana, USA.
Si Bustamante na naunang nagkampeon sa Banks laban kay Justin Hall ng USA para makakubra ng $10,000.00 ay naunsiyami sa asam na ikalawang titulo sa torneo nang yumukod kay Corey Deuel ng USA, 0-3, sa finals ng One Pocket.
Sumali rin ang dating world champion sa 9-ball event ngunit natalo naman kay Shane Van Boening ng US, 4-9.
Pero ang pagkakaroon ng isang titulo at pangalawang puwestong pagtatapos ay hindi natapatan ng ibang kasali para kilalanin siya bilang pinakamahusay na manlalaro sa 2013 Derby City Classic.
Bunga nito, tumanggap ng karagdagang $20,000.00 premyo si Bustamante at inaasahang papalo sa $40,000.00 ang premyong sinalok ng tubong Tarlac na cue-artist sa kompetisyon.
Ang second place ni Bustamante ay nagkahalaga ng $6,000 habang nasa $2,000.00 ang gantimpalang nakuha nito sa 9-ball event.