Inungusan ng San Antonio Spurs ang Oklahoma City Thunder at Los Angeles Clippers para kunin ang pangunguna sa Yahoo! Sports weekly NBA rankings.
Ang Spurs ang may taglay ngayon ng NBA best record makaraang manalo ng walong sunod na games matapos ang mga laro hanggang noong Lunes.
1. San Antonio Spurs (36-11, dating ranking: third): Tatlong beses nang ‘di nakalaro si All-Star Tim Duncan dahil sa injury sa tuhod. Ngunit kung ikokonsidera ang kondisyon ngayon ni All-Star guard Tony Parker at kung paano lumaro ang Spurs na wala si Duncan, hindi siya dapat madaliing bumalik.
2. Oklahoma City Thunder (34-11, dating ranking: first): Matapos matalo sa Los Angeles Lakers noong Linggo, may panahon ang Thunder para paghandaan ang pakikipag-showdown sa West kontra sa bisitang Memphis sa Huwebes. Ang Thunder ay 19-3 sa sariling balwarte.
3. Los Angeles Clippers (33-13, dating ranking: se-cond): Apat na sunod na larong wala si Chris Paul at pito sa huling 9-laro dahil sa injury sa tuhod. Ang kanyang kapalit na si Eric Bledsoe ay nag-a-average ng 11.9 points, 4 assists at 1.7 turnovers sa 9 games bilang starter.
4. Miami Heat (28-13, dating ranking: fourth): Dadayo ang Heat sa Brooklyn nitong Miyerkules sa unang pagkakataon. Kung maagang nabuksan ang Barclays Center noong 2010, baka ikinonsidera nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh na lumaro sa Nets.
5. Memphis Grizzlies (29-15, dating ranking: fifth): Nanalo ang Memphis sa unang pakikipagkita sa Thunder, 107-97 noong Nov. 14 sa Oklahoma City. Mula noon, isang beses lang natalo ang Thunder sa homecourt kontra sa Brooklyn noong Jan. 2. Makadalawa kaya ang Memphis sa Oklahoma?
6. New York Knicks (27-15, dating ranking: sixth): Oras na ba para ibalik si Amar’e Stoudemire sa starting lineup? Nag-average si Stoudemire ng 17.2 points at 6.2 rebounds sa huling limang games. Ang kinatatakutan ay kung may gagawing pagbabago, baka masira ang offensive flow ni Carmelo Anthony.
7. Chicago Bulls (27-17, dating ranking: 11th): Nagbalik si All-Star forward Luol Deng sa lineup sa panalo ng Charlotte noong Lunes matapos mawala ng 5-games dahil sa hamstring injury. Maganda ang itinakbo ng Chicago na wala si Deng, salamat kay Jimmy Butler.
8. Golden State Warriors (27-17, dating ranking: se-venth): Nakaluwag ang Warriors sa pagbabalik ni Andrew Bogut na may 12 points, 8 rebounds at 4 blocks sa 23 mi-nutes nang manalo ang Warriors sa Toronto noong Lunes.
9. Denver Nuggets (28-18, dating ranking: 10th): Namamaga ang kaliwang binti ni center JaVale McGee at sasailalim sa MRI sa Martes upang malaman kung gaano kalala ang kanyang injury. Baka kailangang manatili ng matagal sa koponan si center Timofey Mozgov.
10. Indiana Pacers (26-19, dating ranking: eighth): Tinapatan ng Pacers ang isang season-high sa kanilang tatlong sunod na talo matapos mabigo sa Denver noong Lunes. Tingnan natin kung gaano ka-focus ang Indiana nitong Miyerkules sa pakikipagharap sa Detroit lalo pa’t paparating ang Miami sa Biyernes.