Slaughter kukunin ni Reyes sa Gilas?

MANILA, Philippines - Kung hindi mahuhugot ni coach Chot Reyes si 6-foot-10 June Mar Fa­jar­do ng Petron Blaze para sa Gilas Pili­pi­nas ay si seven-footer Greg Slaughter ng Ateneo ang kanyang kukunin.

Bukod kay Fajardo, binanggit na din ni Reyes sina Arwind Santos ng Petron at Marc Pingris ng San Mig Coffee sa mga PBA players na gusto niyang hiramin para palakasin ang Gilas Pilipinas.

Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang darating na FIBA-Asia Men’s Bas­ket­ball Championships sa Agosto 1-11 sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Ang torneo ay ang qualifying meet patungo sa 2014 World Championships sa Spain.

Kamakalawa ay pinagharian ng Gi­las Pilipinas ni Reyes ang 19th Super Kung Sheung Cup sa Hong Kong sa pamama­gi­tan ng eight-game sweep.

Tinalo ng Nationals ang Southern Ca­­­lifornia-Fukienese Association, 81-77, sa finals.

Ipinarada ni Reyes sina PBA cagers Ga­ry David at  Niño Canaleta katuwang si 6’11 naturalized player Marcus Dout­hit.

Hinirang si cadet player Kevin Alas ng Letran College bilang Most Valuable Pla­yer ng torneo.

Maliban kay Alas, kandidato din pa­ra sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA-Asia meet sina cadet cagers Garvo La­nete at Matt Ganuelas.

 

 

Show comments