^

PM Sports

Matapos manalo sa Mouttahed: Gilas yukod sa Al-Ahli sa Dubai Invitationals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung nakalusot ang Smart Gilas-Pi­lipinas sa kanilang unang laro, hin­di ni­la natakasan ang Al-Ahli ng United Arab Emi­rates.

Yumukod ang Natio­nals sa kopo­nan ng Al-Ah­li, 82-97, sa kanilang pa­ngalawang asig­natura sa 24th Dubai In­ternational bas­ketball tournament ka­­hapon ng umaga sa Al Ah­li Sports Club.

Bago ang kanilang ka­biguan, naku­ha muna ng Smart Gilas ang 79-77 ta­gumpay kontra sa Mout­tahed ng Lebanon no­ong Sabado.

Inako naman ni Natio­nal head coach Chot Re­yes ang kabiguan ng Na­tionals sa nasabing annual meet.

“My fault,” sabi ni Re­yes sa kanyang Twitter account na @coachot. “I in­explicably lost my voice 5 mins into d game pa lang. Gone. Just like that. Couldn’t coach well d rest of d way.”

Ibinandera ng host team ang ka­nilang tatlong im­­ports.

Ito ay sina dating New York Knicks pla­yer Cheikh Samb ng Senegal at Ame­ricans Leroy Hurd at Leemire Gold­wire, ku­mampanya sa NBA D-Lea­gue.

Mula sa kontribusyon ng kanilang tat­long reinforcements, nagtayo ang Al Ahli ng isang 23-point lead.

“D team’s immaturity showed tonight. Cudnt handle playing vs 3 ex NBA vets,” dagdag pa ni Re­­yes sa kan­yang Twitter.

“Tough loss,” ang tweet naman ni ca­det pla­yer Kevin Alas sa kanyang ac­count na @kevinlouiealas.

Susunod na makakata­pat ng Natio­nals ang Spor­­ting Ama­rex ng Jordan na tumalo sa Al Ahli no­ong Sabado.

Ang top two teams mu­la sa Group A at B ma­­tapos ang eliminasyon ang ma­kakapasok sa se­mi­­finals. (RCadayona)

AL AH

AL AHLI

CHEIKH SAMB

CHOT RE

DUBAI IN

GROUP A

KEVIN ALAS

NATIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with