Anthony gusto lang makipag-usap at hindi makipag-away

GREENBURGH, N.Y.  – Sinabi ni Carmelo Anthony nitong Martes na nag-init ang kanyang ulo nang may mga sinabi si Kevin Garnett sa kanya  na hindi dapat sabihin ng isang lalaki sa kapwa lalaki.

Sinabi ni Anthony na inabangan niya talaga si  Garnett pagkatapos matalo ang Knicks sa Boston noong Lunes para pag-usapan nila ito.

Ayaw sabihin ni Anthony kung ano ang mga sinabi ni Garnett.

Nagpunta si  Anthony sa may locker room ng Cel-tics at hinintay niya si  Garnett malapit sa team bus.

Ayon sa kanya, nagkausap na sila at naayos na ang lahat.

“There’s certain things that you just don’t say to men, another man,’’ sabi ni Anthony. “I felt like we crossed a line, but like I said, we both had an understanding right now, we handled it the way we handled it. Nobody needs to know what was said behind closed doors, so that situation was handled.’’

Nagkasagutan ang dalawang All-Star forwards sa laro at naapektuhan si  Anthony matapos magtala lamang ng 6-of-26 field goal shooting at nakitang nagkakatulakan ang dalawa sa laro.

Show comments