Douthit puwedeng maglaro sa Commissioner’s Cup

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud ang paglalaro ni na­turalized player Marcus Douthit para sa darating na 2012-2013 PBA Commissioner’s Cup.

Ang Air21 ang may ka­rapatan sa 6-foot-11 na si Douthit, ngunit ma­aari siyang maglaro sa anu­­mang koponan kung pa­ka­­kawalan siya ng Express.

Sa kanyang Twitter account na @DouthitMarcus sinabi ng 31-anyos na si Douthit, miyembro ng Smart Gilas Pilipinas, na gusto niyang malinawan kung maaari siyang mag­­laro sa PBA Commissio­ner’s Cup.

“Can somebody tell the commissioner to hurry up so i know if im going to play next conference,” wi­ka ni Douthit sa kanyang tweet.

Nilinaw ni Salud na ang karapatan kay Douthit ay hawak ng Air21 kung saan siya naglaro sa na­karaang PBA Commissioner’s Cup na pinagha­rian ng B-Meg Llamados, ngayon ay San Mig Cof­fee Mixers, tampok si import Den­zel Bowles.

Posibleng kunin ng Talk ‘N Text si Douthit kung pakakawalan siya ng Express dahil mas inte­re­sado ang Air21 kay Mi­chael Dunigan na iban­de­ra para sa Commissio­ner’s Cup.

 

Show comments