Miami binigo ng Milwaukee
MILWAUKEE -- Hindi naging sapat ang pagbabalik ni Dwyane Wade para sa Miami.
Umiskor si Brandon Jennings ng 25 points at humugot si Mike Dunleavy ng 13 sa kanyang 18 markers sa fourth quarter para igiya ang Milwaukee Bucks sa 104-85 panalo kontra sa Heat.
Nagbalik si Wade matapos ang kanyang one-game suspension dahil sa pagsipa kay guard Ramon Sessions sa 105-92 pagwawagi ng Heat laban sa Charlotte noong Miyerkules.
Hindi naglaro si Wade sa 109-99 kabiguan ng Miami sa Detroit noong Biyernes na pumigil sa six-game winning streak ng Heat.
“Obviously, the last 48 hours has not gone the way we wanted it to,” sabi ni Miami coach Erik Spoelstra. “We don’t want to make any excuses about it. Milwaukee kicked our butt. They were the better team tonight. We will gather ourselves, get to Orlando and start to work on it.”
Umiskor si Wade ng 24 points mula sa kanyang 10-of-19 shooting.
Tumipa naman si LeBron James ng 26 markers para banderahan ang Miami, nabigong umabot sa 100 points sa ikatlong pagkakataon sa nakaraang 28 laro.
Gumawa si Luc Richard Mbah a Moute ng 19 points para sa Bucks kasunod ang 16 ni Larry Sanders.
- Latest