NEW ORLEANS --- May kahilingan si New Orleans coach Monty Williams sa kanilang mga Hornets fans para kay Eric Gordon.
Sinabi ni Williams na gusto niyang bigyan ng kanilang mga fans ng pagkakataon na makabalik si Gordon matapos ang knee injury nito.
Matapos pirmahan ni Gordon ang isang maximum four-year, $55 million offer sheet sa Phoenix Suns bago ang season, sinabi nitong “I strongly feel they are the right franchise for me. Phoenix is just where my heart is now.”
Sinabi naman ni Gordon na pinagsisihan na niya ang kanyang pahayag.
Pinantayan ng Hornets ang alok ng Suns.